26 Jan 2014

Ang Asul na Ibon

Isang araw, merong isang Asul na ibon na nakalipad sa loob ng kwarto mo at hindi makalabas. May kakaibang aura si asul na ibon kaya sabi mo sa sarili mo na aalagaan mo na lang ito. Pero sa hindi mo inakalang pangyayari, kinabukasan, ang ibon ay naging Dilaw! Itong ibon na ito ay nagpalit nanaman ng kulay overnight. Sa umaga ng ikatlong araw ay naging Pula siya, tapos naging Itim naman sya sa ikaapat na araw.

Ngaun, may tanong ako.

Ano ang kulay ng ibon pagkagising mo sa ikalimang araw?

Ang ibon ay hindi na nagpalit ng kulay. Itim na sya forever.

Ang ibon ay naging Asul ulit. Boring daw ang Itim eh.

Ang ibon ay nagbagong buhay at naging Puti.

Sosyal si ibon, Gold na kulay ang pinili nya.

Ang ibon na nakalipad sa kwarto mo ay ang symbol ng ‘good fortune’, pero bigla itong nagbagong anyo, at nagaalala ka na baka ang kasiyahan mo ay hindi magtagal. Ang reaksyon mo sa situation na ito (sa pagbabago ng kulay ng ibon) ay nagpapakita kung ano ang klase ng reaksyon mo sa paghihirap at pagaalinglangan sa totoong buhay.

Sa mga sumagot ng Itim
Pessimistic ang outlook nyo sa buhay. Naniniwala ba kayo na pag parang wala ng pag-asa ang isang situwasyon ay hanggang doon na lang yon? Wag ganyan! Tandaan: There’s no rain that doesn’t end and no night so dark that there’s no dawn the next day. Sa medaling salita, may bukas pa.

Sa mga nagsabi ng Asul
Kayo naman ang mga tinatawag natin na ‘practical optimists’. Naniniwala kayo na ang buhay ay weather weather lang at wala na tayong magagawa doon kundi tanggapanin na lang and realidad ng buhay. Kalmado kayong humarap sa pagsubok and hinahayaan lang tumakbo ang mga bagay na walang stress or worry.

Sa mga pumusta sa Puti
Cool and decisive kayo. Hindi kayo nagsasayang ng oras sa kakaisip kung ano ang solusyon sa problema na iyon. Kung masama na talaga ang situwasyon, mas pinipili mo na maghanap pa ng ibang paraan para ma-solve ang problema kaysa atakihin kayo ng wala kakwenta-kwentang kalungkutan. Needless grief, ang tawag sa walang kakwenta-kwentang kalungkutan na yan. Oh diba. Literal masyado ang pagka-translate.

Sa mga mahilig sa Ginto or Gold
Ang tawag sa inyo – fearless. Walang ‘pressure’ sa dictionary ninyo. Kung meron man, minsan lang nagagamit. Para sa inyo, ang bawat problema sa buhay ay isang oportunidad. Pero mag ingat na hindi maging over-confident. Mamaya sugod na lang kayo ng sugod.  Mas maganda kung maingat parin kayo. Mahirap na ang buhay ngayon. Nasa huli ang pagsisisi.

Tugma ba ang mga sagot sa inyong personalidad?

 Jin Matsu

Source: Kokology – The game of self-discovery by Tadahiko Nagao and Isamu Saito 

0 comments:

Post a Comment

 
Find us on Google+