“Na eureureong eureureong eureureong dae
Na eureureong eureureong eureureong dae”
Na eureureong eureureong eureureong dae”
“Na sa’yo na ang lahat, minamahal kitang tapat
Na sa’yo na ang lahat”
KPOP or PPOP? Kung kayo ang papipiliin anong mas gusto niyo sa dalawang iyan?
Sa panahon natin ngayon, nauuso na talaga ang
iba’t ibang genre ng mga kantahin.
Hindi katulad dati na ang mga kanta ay yung mga tinatawag nating, kantahing bayan. Uso pa dati-rati ang mga kantang “O ilaw, sa gabing madilim”. Ngunit ngayon, ibang iba na talga, lalo pa’t nauuso na ang “KPOP”.
Ang KPOP o Korean Popular Music ay masasabi
nating isa sa mga trending na musika sa ating henerasyon. Ang mga kabataan
ngayon ang masyadong nahuhumaling sa mga Koreanong sumasayaw at kumakanta. At
isa pa, magaganda at mga gwapo rin ang hanap ng mga kabataan ngayon sa KPOP.
Isang halimbawa ang EXO, sila ngayon ang masasabi nating pinakasikat na grupo
ng mga lalaki sa industriya ng KPOP. Pinauso nila ang kantang Wolf, Growl,
Mama, at marami pang iba. Napakadaming mga babae ang nahuhumaling sa kanila.
Meron ding Girl’s generation, Bigbang, Shinee, Got7, Winner at napakarami pang
Kpop group stars. Ngunit ang isang tanong lang, tayo bang nakikinig sa KPOP ay
naiintindihan natin ang kanilang mga kanta? Nakakapag-aral pa ba kayo dahil sa
kakasunod niyo sa mga bagong balita tungkol sa kanila? At kilala ba nila kayo?
Ang PPOP, sigurado akong alam niyo ang ibig
sabihin ng PPOP diba? Ito ang mga kantang gawain ng mga Pilipino, tulad ng Na
sa iyo na ang lahat, Alaala. At napakarami pa. Napakaganda nga naman
pakinggan ng mga katang naiintindihan mo, lalo na’t may ibig sabihin yung
kanta. Ngunit, may ibang hindi nila type
yung kanta ng PPOP, may iba pa nga na ayaw rin nila sa kumakanta nito. Atsaka
may ibang hindi nila hilig ang PPOP, di natin sila mapipilit kasi kagustuhan
nila yun ehh. Ang tanong lang, naaapreciate mo ba ang kanta nating mga
Pilipino? O sadyang wala ka lang pakialam sa mga kanta ng sarili mong lengwahe?
At bakit kinicritisize natin ang mga sintunadong kumakanta ng PPOP?
Totoo ngang iba’t iba ang hilig nating lahat.
Hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao sa mga gusto at ayaw niya lalo na sa
musikang gusto niya. Sabi nga nila “music is a language” sa tagalog “ang musika
ay isang lengwahe.” Kung ano ang nararamdaman mo ay pwede mong iablin sa
musika. Depende na yan sa iyo kung anong klase ng musika ang magpapasaya saiyo.
KPOP or PPOP? Walang PAKIALAMAN!
Era Asperga
2 comments:
hahaha EXO JUD ? HAHAHHAHA
Kpop stars in Singapore learn Tamil because of Sri Lankans living there.
Post a Comment